Ads Top

10,000 Teaching Supplies Allowance Lusot na sa Senado

 


Ipinasa na sa Senado ang  Senate Bill No. 1092 o ang Teaching Supplies Allowance Act na naglalayong mabigyan ng teaching supplies allowance ang mga public school teachers.

Sa botong 22-0 ay nakalusot na nga sa Senado ang nasabing bill na magbibigay daan sa 'staggered' na pagtaas ng teaching supplies allowance sa P10,000 sa loob ng 4 na taon. Ang teaching Supplies Allowance ay dating tinatawag na Chalk Allowance.

Kung ang chalk allowance nitong nakaraan ay P3,500 sa susunod na school year 2021-2022 ito ay magiging P5,000 hanggang sa maging P10,000 sa taong 2024.

Ayon sa bill, maaring gamiting pambili ng 'tangible and intangible' teaching supplies and materials for the implementation of various teaching modalities ang allowance.

Hindi rin kasama sa kakaltasan ng buwis ang allowance na ito.

Ayon kay Sen. Ramon Revilla Jr. na siyang sponsor ng bill, nawa ay suportahan ito ng Lower House at ng mapirmahan na ng Presidente.

Sinabi rin ni Sen. Sonny Angara na ang pagtaas ng allowance na ito ay kasama na sa proposed 2021 national budget.


Facts source: Manila Bulletin


No comments:

The Teachers Craft 2020. Powered by Blogger.